Guro'y mahalaga sa pagkamit ng kinabukasang maganda

Ang theme ngayon ay Gurong Pilipino:turo mo kinabukasan ko. Alam natin na ang edukasyon ang isa sa pinakamahahalagang bagay dito sa ating sarili at mundo. Dahil kung wala ang edukasyon wala kang patutunguhan sa buhay. Magiging isa kang tambay. Pero hindi naman natin makakamtan ang edukasyon kung wala ang mga guro na siyang sumusuporta at gumagabay sa atin. Sila ang nagsisilbing tulay natin para marating ang magandang buhay na ating gusto. Mahalaga ang mga guro dahil sila ang katuwang natin hanggang sa ating pagtanda. Kaya't mahalin natin natin ang ating mga guro. Dapat sila't ingatan, mahalin, pagtuunan ng pansin, respetuhin at iba pa nang sa gayo'y turuan nila tayo ng buong puso at hindi napipilitan.

Comments

Popular Posts