HighSchool Dayyyy!

Ang masasabi ko sa ginanap na 117 HighSchoolDayCelebration ay napakaganda dahil naisagawa ang event na ito ng maayos at matuwid. Hindi gaya noong makalipas na taon ay meron pa yung mga nagbobogbogan sa tabi tabi. May mga iba't ibang event sa Celebration sa araw na iyun. Ang ilan sa mga ito ay ang parada, coronation, field demo at iba pa. Nasiyahan ako sa event na field demo dahil nakatuklas ako ng mga iba't ibang step ng sayaw. Natutunan ko ring makipagkaibigan sa mga taong kasabay naming nag-eensayo ng sayaw para sa field demo. Mahirap man ang sumayaw noong panahon na yun dahil sa tirik na tirik ang araw may kasama naman itong kasiyahan na nagdudulot sa akin ay sa iba pang mga sumayaw. Nagpapasalamat ako sa taong simuno sa bagay na ito at ito ay ang Principal na si Sir Romulo Quitevis. Taos puso akong nagpapasalamat sa kanya at iba pang mga katulong nito dahil naplano at naisagawa nila ito ng maayos at mabuti.

Comments

Popular Posts