Mangarap ka

Sa ating mundong ginagalawan hindi mawawala ang mga taong walang trabaho. Isa nga ba sa dahilan ang hindi nangangarap sa kanyang buhay?

Sa panahon ngayon kung wala tayong pangarap wala tayong magandang patutunguhan. Wala tayong makakamit. Higit sa lahat wala tayong magiging magandang trabaho. Pero dapat ay huwag lang tayong magtiwala sa pangarap lang. Dapat magtiwala rin tayo sa sarili natin at sa Diyos at bigyang tuon ang pangara0 na gustong makamit. Samahan rin natin ng pagtitiis at pagtitiyaga upang maisagawa o makuha ang gusto.

Bilang isang mag-aaral ang aking pangarap ay maging isang inhinyero at upang makamit ko ang bagay o pangarap kong ito ay nag-aaral ako ng mabuti at sinasamahan na rin ng pagdadasal.

Habang o hangga't maaga pa ay mangarap ka na. Sabi nga nila "libre ang mangarap". Sabayan mo na rin ito ng tiyaga upang ito'y iyong makamit at magkaroon ng magandang buhay.

Comments

Popular Posts